Notification [x]
Welcome Aso, Askal, Asong kalye & Aspin sa MUTTS4US!
Author: Top Dog
Blog URL: http://www.mutts4us.com//blogs/dogs_dog_philippines_philippine
Description:
Welcome sa MUTTS4US - ang libreng on-line pet community para sa mga tunay na nagmamahal sa aso!
Mabuhay!
OFFLINE

Welcome sa MUTTS4US (www.mutts4us.com) - ang libreng on-line pet community para sa mga tunay na nagmamahal sa aso.

"Hangarin naming na mag-alay ng isang "one-stop on-line resource" para sa mga may alagang aso sa Australia at pati na rin sa buong mundo, na kagaya namin ay itinuturing silang ka-pamilya," paliwanag ni Hazel Engutan, co-founder ng MUTTS4US. May apat na alagang aso si Hazel. "Kahit maliit lang ang populasyon ng Australia, ang mga Australyano ay isa sa pinakamaraming alagang aso sa buong mundo (mga 3.8 milyon na aso). Magaling magmahal at mag-alaga ng aso ang mga Australyano, kaya hindi nakapagtataka na sa loob ng isang taon ay gumagastos sila ng mga $2.7 billion para sa mga dog care products at services," dagdag ni Hazel.

Ang MUTTS4US are naghahandog ng mahalagang payo para sa mga may alagang aso at sa kanilang mga kaibigan na nagmamahal sa aso at nagbabalak na mag-alaga rin ng aso, tulad ng napakaraming mga hints and tips para lalong maalagan ang mga aso.

LIBRE ang membership dito. At kung kayo ay miyembro, puewede kayong magsulat ng mga masasayang karansan and importanteng nangyayari sa buhay ng inyong mahal na aso, mga natutuhan ninyo tungkol sa pag-aalaga ng aso at mga payo para sa ibang may aso rin. Ito ay makakarating sa maraming tao sa buong mundo sa pamamagitan ng aming Blogs at Forums.

DORA SAYS: MABUHAY SA MUTTS4US!

Madali rin kayong makakagawa ng libreng webpage at photo album ng inyong alaga. Kung gusto ninyo, puwede rin kayong magbigay ng personal o business profile ninyo at ng mga pet specialists. I-share ninyo ang istorya ng buhay ng inyong mahal na aso, ang mga kinagigiliwan nito at pati na rin ang mga hindi nito gusto. Puwede rin kayong mag set up ng inyong Club kasama ang inyong mga kaibigan na tulad ninyo ay nagmamahal sa aso. Tapos, puwede pa kayong gumawa ng sarili ninyong poll para makakuha kayo ng maraming inpormasyon at opinyon sa kahit na anong bagay na tungkol sa aso.

Madali ninyong malalaman kung saan may mga dog events na malapit sa inyo, kung saan may mga dog care products at iba pang mga pet services. Puwedeng kayo ang gumawa ng listahan ng mga produkto at serbisyong tungkol sa aso at magbalita tungkol sa mga dog events sa inyong kinaroroonan.

Mayroon ding "Beauty and the Beast" competition. Magpadala kayo ng litrato ng inyong aso sa MUTT4US at alamin kung ang aso ninyo ay beauty o beast.

Kahit wala kayong aso, puewede pa rin kayong maging miyembro. Huwag kayong mag-alala, hindi kayo mawawala. Aalagaan kayo ni Dora, magaling ‘yan – siya ang boss, pack leader at pinaka-top na aso dito.

At ang pinaka importante sa lahat, ang MUTTS4US ay aktibong sumusuporta sa mga pet rescue at adoption organizations sa buong mundo sa pamamagitan ng libreng advertisement para ipaalam sa nakararami ang mga mahalagang layunin at gawa nila para patuloy na mapahalagahan ang ating pinamabuting kaibigan at kapamilya – ang ating alagang aso.

At, huwag kalilimutan walang bayad para maging miyembro – LIBRE ito!!

13/03/2008 0 Comments | Add Comment
 
My Options
 
Blogs Home
Browse All Blogs
My Blogs
Create Blog
Bookmark Blog
 
 
Report
 
Best Of MUTTS4US
Report Spam
Report Adult Content
 
 
Blog Photos
 
 Mabuhay!
 
 
Subscribe